Awit Ng Mga Detinidong Pulitikal
CAP launches “Awit ng mga Detenidong Pulitikal”, calls for freedom of all political prisoners
On the occasion of the President’s 3rd State of the Nation Address (SONA), we urge Pres. Aquino to free all political prisoners. We also call on artists and fellow Filipinos to heed the call for freedom.
In solidarity with Ericson Acosta and other political prisoners who are currently on hunger strike/fast, the Concerned Artist of the Philippines (CAP), in cooperation with The Camerawalls, launches today the song “Awit ng mga Detenidong Pulitikal.”
The song depicts plight of political prisoners, who they are and what they are fighting for. The CAP particularly calls for the release of Ericson Acosta, artist, poet, thespian, musician and writer who was arrested on February 13, 2011, while doing research on human rights research. As an artist, Ericson chose to work with the poor and oppressed. At that time of his arrest, he was also in the process of finishing his series of poems entitled, Pitong sundang. To date, the poem is unfinished as he remains unreleased from jail.
Ericson is only among the 385 Political Prisoners in the country today, 107 of whom were arrested and detained under the Aquino administration. These illegal detentions increase by number to date.
The song “Awit ng mga detenidong pulitikal” is performed by The Camerawalls for the Concerned Artists of the Philippines (CAP). Words and music are by Clementine. ### – 7/21/2012 Walkie Miraña
Listen, download and share the track! Leave your comments on the song by the following the SoundCloud link.
Awit Ng Mga Detinidong Pulitikal
Palayain at lingapin ang detinidong pulitikal
Awit at panalangin sa mga naninindigan
Kadluan ng karapatan
Hindi sila kriminal
Ang buhay nila’y salamin ng mga ordinaryong mamamayan
Gobyerno
Kagalang galang na pangulo
Lahat ng lider ng Kongreso
Korte Suprema at Senado
Andyan kayo, kami’y nandito
Nakapiit, naninimdim
Dumaranas ng hirap at pasakit
Sa mga kamay nyong kaylupit
Ama, ina, anak, kapatid, kaibigan
Ang ilan ay maysakit
Ang ilan ay may-edad
Ang ilan ay mga babaeng sa sanggol ay nawalay
Walang pinipili
Silang lahat ay biktima
Biktima ng inhustisya
Palayain at lingapin ang detinidong pulitikal
Awit at panalangin sa mga naninindigan
Kadluan ng karapatan
Hindi sila kriminal
Ang buhay nila’y salamin ng mga ordinaryong mamamayan
Pilipino
Tayong mga naapi
Nalulunod sa pagbabago
Ina-abang karapatang pangtao
Ama, ina, anak, kapatid, kaibigan
Ang ilan ay maysakit
Ang ilan ay may-edad
Ang ilan ay mga babaeng sa sanggol ay nawalay
Walang pinipili
Silang lahat ay biktima
Biktima ng inhustisya
Palayain at lingapin ang detinidong pulitikal
Awit at panalangin sa mga naninindigan
Kadluan ng karapatan
Hindi sila kriminal
Ang buhay nila’y salamin ng mga ordinaryong mamamayan
Kasalanan bang maging mapanuri
Gamitin ang angking talino sa sining
Kasalanan bang magmalasakit
Sa mahihirap at inaapi.
Palayain at lingapin ang detinidong pulitikal
Awit at panalangin sa mga naninindigan
Kadluan ng karapatan
Hindi sila kriminal
Ang buhay nila’y salamin ng mga ordinaryong mamamayan
Production Notes:
Words and Music by Clementine
Performed by The Camerawalls for Concerned Artist of the Philippines
Executive Producer: Concerned Artist of the Philippines
Produced by: Clementine & Robert Javier
Recorded and Engineered by Robert Javier and Chrisanthony Vinzons
Mixed and Mastered by Jonathan Ong
Recorded, Mixed and Mastered at Sonic State Audio, Mandaluyong City
The Camerawalls are:
Clementine – vocals, acoustic guitars, banduria
George Carillo – electric guitars
Law Santiago – bass
Bach Rudica – drums
Reference:
http://freeallpps.wordpress.com/2012/07/21/cap-launches-awit-ng-mga-detenidong-pulitikal-calls-for-freedom-of-all-political-prisoners/
http://www.facebook.com/artistangbayan
Reblogged this on Karl Ramirez: Songwriter, Filmmaker, Activist and commented:
On the occasion of the President’s 3rd State of the Nation Address (SONA), the Concerned Artists of the Philippines urge Pres. Aquino to free all political prisoners. CAP also call on artists and fellow Filipinos to heed the call for freedom.
Nagustuhan ko ang buong kanta. Lalo na ang musika, sakto ang pagsama sa banduria. Ang tunog na ‘to ang naglagay ng kulay Pinoy.
Pero medyo nalito ako nang konti sa lyrics. Sa pamagat pa lang kasi, established agad na political detainee ang POV. Pero 3rd person ang “sila” sa ika-4 na linya ng unang saknong, pinaka-chorus. Tapos naging maramihang 1st person, “kami” sa unang linya ng ikatlong saknong.
Isa pang punto na kadalasang sablay ng maraming kanta, ang generalization sa:
“Pilipino
Tayong mga naapi
Nalulunod sa pagbabago
Ina-abang karapatang pangtao”
Sa tunay na buhay, ang mga nang-aapi ay kapwa Pilipino ring kasabawat ng mga dayuhang monopolyo kapitalista. Pero hindi pa ako nakakita ng kanta o anomang akdang may linyang:
“Pilipino
Tayong mga nang-aapi…”
Ang point ko lang po, sa susunod na paglikha, linawin ang mga ganitong generalization. Naiintindihan ko pong mahirap na itong mabago dahil recorded na. Liban na lang kung sa live performances ay handa ang grupo na i-revise ang mga puntong dahilan ng pagkalito ko.
Ganumpaman, opinyon ko lang po yan. At sa kabuuan naman ay maganda talaga ang kantang ito. Mabuhay po kayo!
simple lang… itong awitin ay para sa mga “political detainee”. isang pagtawag sa mga nakaupo o pagpuna o pagsalaysay ng sariling opinyon tungkol sa kalagayan o sitwasyon ng mga nasa piitan na walang kasalanan. Napaka-radikal naman kung sasabihin na “Pilipino
Tayong mga nang-aapi…” mas maraming batikos yun dahil parang kinasusuklaman o galit ka sa lahat ng Pilipino gayong hindi lahat ay kagaya ng sinabi mong “Pilipino ring kasabawat ng mga dayuhang monopolyo kapitalista.” Nakakalito ang isang bagay kung sarado ang isipan natin… na ang gusto lamang nating marinig ay yung “gusto lang natin talagang marinig”. sa madaling salita… kahit gaano pa kalinaw o kasimple ang isang bagay.. meron pa din tayong puna o komento… para lamang masabi na… magaling tayo… pero kung titingnan… yun yung mapang-api… at mapang-husga. opinyon ko lamang din. peace… mabuhay Camerawalls!!!
Wow! akalain mong yung favorite band ko may paninindigan din sa mga ipinaglalaban namin. Clem salamat! Dalaw kayo minsan sa UP. 🙂 There is in fact no such thing as art for art’s sake, art that stands above classes, art that is detached from or independent of politics. Proletarian literature and art are part of the whole proletarian revolutionary cause. -Mao Zedong